‘LOUDEST BURP IN THE WORLD’ RECORD, NAKUHA NG ISANG BABAE SA AMERIKA

(Photo courtesy | Guinness World Records)

‘LOUDEST BURP IN THE WORLD’ RECORD, NAKUHA NG ISANG BABAE SA AMERIKA

Ni John Ronald Guarin

 

Nakakuha ng panibagong world record ang isang babae mula sa Amerika para sa ‘world’s loudest burp by a woman’ o pinakamalakas na dighay ng isang babae.

 

Ayon sa Guinness, umaabot sa 107.3 decibels ang lakas ng dighay ng babae—mas malakas pa sa harurot ng isang motorsiklo.

 

Kinilala ang babaeng may kakaibang talento na si Kimberly “Kimycola” Winter, residente ng Maryland, kung saan bumisita siya sa isang radio station at pumasok sa kanilang “dead room” para patunayan na siya ang may pinakamalakas na pagdighay.

 

Sa pinakaunang attempt, nakuha ni Kimberly ang 107.3-decibels na lakas ng kaniyang pagdighay.

 

Dahil dito, natalo niya si Elisa Cagnoni ng Italy na nakakuuha ng 107 dB na rekord noong 2009.

 

Sa pahayag ni Kimberly sa Guinness Record, malakas na ang kaniyang dighay mula noong siya ay bata pa lamang at nakakapagdighay na ito kahit konting tubig lamang ang naiinom niya.

 

Aniya, sanay na rin ang kaniyang mga magulang sa malakas na pagdighay pero pinapakontrol lamang ito sa kaniya lalo na kung nasa labas sila.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog