MARCOS, ITINANGGI NA MAY KASUNDUAN SA CHINA KAUGNAY NG BRP SIERRA MADRE

 


MARCOS, ITINANGGI NA MAY KASUNDUAN SA CHINA KAUGNAY NG BRP SIERRA MADRE

Ni Rio Trayco


Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang haka-hakang may kasunduan ang Pilipinas sa China kaugnay pagtanggal umano ng nakasadad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.


"I’m not aware of any such arrangement or agreement that the Philippines will remove from its own territory its ship,” saad nito sa pamamagitan ng Presidential Communications Office.


Ito ay para tuldukan ang umano’y pinapakalat ng China na nangako ang gobyerno ng Pilipinas na alisin ang nag-iisang military post sa lugar.


Lumabas ang pahayag matapos ang insidente ng panghaharang at paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard laban sa supply ship ng Armed Forces of the Philippines.


Dagdag pa ni Marcos, "And let me go further, if there does exist such an agreement, I rescind that agreement now.


Samantala suportado naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang planong ayusin ang BRP Sierra Madre para magampanan ng hukbong pandagat ng bansa ang kanilang tabaho sa pagbabantaysa soberenya ng bansa.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog