AKLANON SWIMMER NAKASUNGKIT NG GINTONG MEDALYA SA PALARONG PAMBANSA

 


AKLANON SWIMMER NAKASUNGKIT NG GINTONG MEDALYA SA PALARONG PAMBANSA


Nagdala ng karangalan sa probinsya ng Aklan at sa buong Western Visayas ang Aklanong Swimmer na si Nuche Veronica V. Ibit, matapos nitong maiuwi ang Gold medal sa 4x50m Freestlye Relay sa Swimming Secondary Girls.

Siya ang pangalawang Aklanon na nakakuha ng gintong medalya sa 2023 Palarong Pambansa kung saan batay sa pinakahuling medal tally kagabi ay may 19 na gold medals ang Region 6.

Bago sumabak sa kumpetisyon, humahakot na nang medalya ang swimmer sa ibat-ibang tournament sa bansa.

Si Ibit ay kasalukuyang nag-aaral sa Regional Science High School for Region VI. |Ni Rio Trayco

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog