SOUTHWEST MONSOON, MAGDUDULOT NG PAG-ULAN SA BUONG BANSA

 


WEATHER UPDATE| Makakaapekto ang southwest monsoon o habagat sa buong bansa ngayong Linggo, Agosto 13. 

Sa ulat ng PAGASA ang Bicol Region, Visayas, Mindanao at hilagang bahagi ng Palawan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat. 

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan dahil sa habagat at localized thunderstorm. 

Samantala, nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga oras ng malalakas na pag-ulan.|TERESA IGUID

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog