BIG-TIME TAAS PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO, INAASAHAN SA SUSUNOD NA LINGGO

 


OIL PRICE UPDATE| Sa ikalimang sunod na linggo, muli na naman na iiral ang big-time na taas-presyo sa produktong petrolyo. 

Sa pahayag ng ilang mga oil players, tinataya na abutin ng P1.35 hanggang P1.65 kada litro ang taas-pres­yo sa gasoline. 

Habang P1.10 hanggang P1.40 kada litro naman ang taas sa presyo ng diesel; at P2.05 hanggang P2.40 kada litro ang taas sa presyo ng kerosene. 

Samantala ang pagbabawas ng produksyon ng langis ng Saudi at Russia ang sinasabing ugat ng sunud-sunod na oil price hike. |TERESA IGUID

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog