BANGKAY NG 17-ANYOS NA BINATILYONG NALUNOD SA BAKHAW NORTE, NAKITA NA MATAPOS ANG HALOS 2 ARAW NA PAGHAHANAP



Matapos ang halos dalawang araw na paghahanap ay nakita na rin ang bangkay ng 17-anyos na binatilyong nalunod habang naliligo sa baybayin na sakop ng Brgy. Bakhaw Norte, Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team sa isang mangingisda na nakakita dito, napag-alaman na umaga ngayong Linggo ay nakita nito ang wala ng buhay na katawan ni Niño Arandilla sa baybayin na sakop na ng Bakhaw Sur, ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ng pagkalunod nito.

Agad naman aniya itong tumawag ng tulong mula sa kapwa nito mga mangingisda at doon ay pinagtulungan na mahila ang bangkay papunta sa Bakhaw Norte.

Kaugnay dito, sa panig naman ng mga kamag-anak ng biktima ay nagpapasalamat pa rin ang mga ito sa kabila ng bangkay na ng matagpuan ang binatilyo dahil mababawasan na rin anila ang kanilang pag-aalala.

Matatandaan na una na itong naiulat na nalunod at nawawala pasado ala-una nitong Biyernes matapos na tangkang tumulong na salbahin ang kaibigan na biniling ngunit sa may kalakasang agos ng tubig ay nagpanic ito kung kaya’t nadala ng agos sa malalim na parte ng dagat. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog