M-5.4 NA LINDOL, YUMANIG SA EASTERN CHINA

 


 

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang eastern China na sinundan ng 52 aftershocks, nitong Linggo ng madaling araw. 

Ayon sa US Geological Survey (USGS), tumama ang lindol 2:33 ng madaling araw, sa 26 kilometro timog ng Dezhou sa Shandong province, na may lalim na 10 kilometro. 

Dahil dito, nasa 10 katao ang naiulat na nasaktan habang aabot naman sa 74 tirahan at gusali ang nag-collapse mula sa lindol.

Samantala naramdaman din ang naturang pag yanig hanggang Beijing, Tianjin at Shanghai, 800 kilometro mula sa epicenter. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog