SEVERE TROPICAL STORM HAIKUI, PAPALAPIT NA SA PAR – PAGASA



Lalo pang lumakas ang severe tropical storm Haikui (international name) habang papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Batay sa advisory ng PAGASA as of 11 a.m. nitong Miyerkules, Agosto 30, namataan ang sentro ng bagyong Haikui sa 1,465 kilometro silangan ng extreme northern Luzon, o nasa labas ng PAR.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometro kada oras at pagbugso na 135 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Posibleng pumasok sa PAR ang bagyo ngayong hapon o gabi, at inaasahang kikilos sa direksyong west-northwestward o northwestward.

Tatawagin itong “Hanna” pagpasok ng PAR. | JURRY LIE VICENTE

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog