SENATOR BONG GO, NANAWAGAN SA CHINA NA TIGILAN ANG PAMBU-BULLY SA PCG

 



“STOP BULLYING US”

Ito ang naging pahayag ni Sen. Christopher “Bong” Go matapos ang insidenteng pagbomba ng tubig ng China Coast Guard sa sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard.

Nakatakdang tutungo ng Ayungin Shoal ang PCG upang mag-escort sa mga katutubong bangka na pinaarkila ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para maghatid ng pagkain, tubig, gasolina, at iba pang suplay sa mga tropang militar na nakatalaga sa BRP Sierra Madre.

Ngunit, bigla nalang silang inatake ng water cannon ng CCG.

Nakiusap naman si Go sa pamunuan ng China na tigilan na ang pangbu-bully sa PCG at mga mangingisdang Pinoy.

Matatandaang si Go ang nagpatatag ng mas malapit na ugnayan ng Pilipinas at China sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pag-iwas nito sa nakasanayang traditional alliance sa Estados Unidos dahil sa pagbatikos ni dating US President Barack Obama sa anti-illegal drugs campaign na kumitil ng libu-libong drug suspects kabilang na ang mga menor de edad.

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog