LIAC, SINAGOT ANG REKLAMO NI KAPITAN BRIONES SA MGA UMUUKUPA NG HOUSING UNITS

 


Sinagot ni Engr. Marlo Villanueva ng Local Inter Agency Council (LIAC) ang reklamo ni Punong Barangay Rafael Briones kaugnay sa mga umuukupa ng Housing units sa Briones, Kalibo.

Aniya, isang paglabag kapag hindi ang totoong may-ari ng unit ang umuukupa sa pabahay at maaaring ma-disqualified ito.

Paliwanag pa nito, dapat ang may-ari mismo ang nakatira sa unit at hindi pwede ang ibang tao.

Dahil dito, paiimbestigahan aniya ng LIAC ang isinumiteng listahan ni Kapitan Briones tungkol sa usapin para mabigyan ng aksyon ang nasabing isyu.

Sa kabila nito, sinabi ni Engr. Villanueva na ibibigay sa mga susunod na benepisyaryo ang mga abandonado na pabahay.

Matandaan na nilagyan ng padlock ang nasa 11 housing unit matapos itong inabandona ng ilang residente sa lugar.

Makikita aniya na sira-sira na ang mga unit dahil sa hindi tinitirhan ng ilang benepisyaryo kung kaya’t napagdesisyunan ng munisipyo na bawiin na lamang ito.

Samantala, umaabot aniya sa 28 ang mga na-disqualified na pabahay sa Brgy. Briones habang babalikan pa ng LGU ang iba pang abandonadong unit na hindi pa nalalagyan ng padlock. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog