30 KATAO PATAY, MAHIGIT 90 SUGATAN SA PAKISTAN TRAIN CRASH


Nasa 30 katao ang patay habang mahigit 90 ang sugatan matapos namadiskaril ang isang tren malapit sa Sahara railway station sa Nawabsha, Pakistan nitong Linggo. 

Sa inisyal na imbestigasyon ay bigla na lamang natanggal sa riles ang walong carriages. 

Ayon naman sa local officials, bumaligtad ang 10 carriage ng Hazara Express at nawasak pa ang ilan dahil sa aksidente. 

Kaugnay dito, agad namang dinala sa pagamutan ang mga nasugatang biktima kung saan inaasahan na madaragdagan pa ang bilang ng mga masasawi.

Samantala patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng nangyaring insidente. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog