SB19, WAGI SA 2023 BILLBOARD FAN ARMY FACE-OFF

 


Matapos ang mahigpit na laban sa pagitan ng CARATs at A’TIN, nasungkit ng SB19 ang korona sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off nitong Martes, Agosto 8.

Nakakuha ng 51.1% na boto ang Filipino boy band mas mataas kumpara sa 48.9% ng SEVENTEEN’s CARATS.

Ang Fan Army showdown ng Billboard ay taunang ginagawa upang malaman kung kaninong fan base ang pinakamalakas.

Mula sa 64 artists’ fan armies na sumabak sa battle fray, napagtagumpayan ng A’TIN na makuha ang panalo.

Sa ngayong taong Semifinals ng Billboard Fan Army Face-off, nakalaban ng A’TIN ang fan armies ng Cardi B, SEVENTEEN at Shakira hanggang sa naiwang matatag ang SB19 fans at SEVENTEEN sa final round.

Magugunita nitong mga nagdaang taon, nangibabaw ang fan armies ng mga KPOP Groups sa Billboard Fan Army Face-Off na kinabibilangan ng “STAY” ng Stray Kids, E.L.F. ng Super Junior, T-ara’s Queens at BIGBANG’s VIPs. |Ni Sam Zaulda

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog