GUN BAN PARA SA 2023 BSKE, NAKATAKDA NA SA AGOSTO 28 HANGGANG NOBYEMBRE 29


 

Nakatakda nang magsimula ang gun ban para sa nalalapit 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Election. 

Base sa anunsyo nakatakda ito mula August 28 hanggang November 29, ng taong kasalukuyan. 

Dito ay pagbabawalan na ang isang indibidwal na magdala, mag-transport ng mga baril at iba pang deadly weapons sa pampublikong mga lugar, kabilang na ang anumang gusali, kalye, parke, pribadong sasakyan at pampublikong transportasyon. 

Ang sinuman na mapapatunayang lumabag sa nasabing kautusan ay mahaharap sa kaukulang penalidad. 

Kabilang na dito ang pagkaka kulong ng isang taon hanggang anim na taon at permanenteng diskwalipikasyon mula sa publiko o pagkawala ng karapatan sa pagboto. 

Habang deportasyon naman para sa mga dayuhan ang magiging penalidad pagkatapos maisilbi ang termino sa pagkakabilanggo. 

Samantala, posible din na makansela o ma-disqualifiy ng panghabang-buhay mula sa pagkuha ng lisensya o permit ang inidibidwal na lalabag dito. |Ni Teresa Iguid 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog