SB KALIBO, KINUWESTIYON ANG HINIHINGI NA DEVELOPMENT AT BUILDING PERMIT NG NHA


Kinuwestiyon ng Sangguniang Bayan (SB) ng Kalibo ang hinihingi na development at building permit ng National Housing Authority para sa ipapatayong Housing Unit sa Barangay Tigayon, Kalibo.

Ito ay matapos na ipinaabot sa konseho ni Engr. Marlo Villanueva ng Local Inter- Agency Council (LIAC) ang tungkol dito.

Kaugnay nito, inihayag ni SB Member Augosto Tolentino na maraming housing ang hindi ukupado lalo na’t pera ito ng taumbayan.

Dagdag pa nito, dapat alamin kung ang housing project ay tinitirhan ng benepisyaryo.

Sinabi rin ng opisyal na mayroon umanong housing unit na pinapatuluyan sa ibang tao at hindi mismo ang totoong may-ari ang nakatira dito.

Binigyang-diin din nito na kailangan aniyang tukuyin kung sino ang mga nararapat na benepisyaryo ng pabahay at ipaliwanag sa konseho.

Sa huli, sinabi ni Tolentino na maraming Kalibonhon ang nangangailangan ng housing unit ngunit hindi nabibigyan ang mga ito.

Matatandaan na isinagawa ang Groundbreaking Ceremony para sa Kalibo Airport Resettlement Project nitong Agosto 4, 2023. |Ni Jurry Lie Vicente 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog