FIBA WORLD CUP 2023: KLASE SA PAMPUBLIKONG PAARALAN AT TRABAHO SA GOBYERNO SA METRO MANILA AT BULACAN, SUSPENDIDO SA AGOSTO 25

 


FIBA WORLD CUP 2023: KLASE SA PAMPUBLIKONG PAARALAN AT TRABAHO SA GOBYERNO SA METRO MANILA AT BULACAN, SUSPENDIDO SA AGOSTO 25

Ni John Ronald Guarin

 

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na isuspinde muna ang klase ng mga pampulikong paaralan at trabaho sa gobyerno sa Metro Manila at Bulacan bilang pagbigay-daan sa pagbubukas ng FIBA Basketball World Cup 2023 sa Agosto 25, 2023, Biyernes.

 

Sa inilabas na memorandum circular na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Agosto 15, ang naturang desisyon ay bahagi ng plano ng gobyerno tungkol sa promotion at development ng sports sa bansa.

 

Kasama rin dito ang suporta at tulong para sa Philippine Sports Commission upang maging ligtas, maayos, at matagumpay ang opening ceremonies ng FIBA World Cup sa bansa.

 

Isasagawa ang naturang pagbubukas ng naturang international sports event sa Philippine Arena sa Bulacan.

 

 

(Via CNN Philippines)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog