PHO AKLAN, BINALAAN ANG PUBLIKO KAUGNAY SA SAKIT NA DENGUE



Nagpaalala ang Provincial Health Office (PHO) Aklan sa publiko kaugnay sa mga lamok na naghahatid ng dengue lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Ito ang ipinaabot ni Roger Debuque ng PHO Aklan sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Aniya, dumadami ang kaso ng dengue kapag mayroong breeding sites kung saan nangingitlog ang mga lamok.

Ito rin aniya ang dahilan ng patuloy nilang paghihikayat sa publiko na maglinis para mawala at hindi na mangitlog ang mga lamok.

Dagdag pa nito, dumadami ang dengue kapag nagsimula na ang rainy season mula sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto.

Nagpaalala pa si Debuque na ugaliin ang paglilinis para hindi na dumami ang lamok sa bahay at makipagtulungan sa payo ng lokal na pamahalaan.

Ang mataas na lagnat, pananakit ng katawan at ulo, nasusuka at may lumalabas na rashes ay kabilang sa mga sintomas ng dengue.

Gayunpaman, binigyang diin nito na sundin ang adbokasiya ng Department of Health (DOH, sirain ang lahat ng mosquito breeding sites, magsuot ng self-protection, magpatingin sa Rural Health Unit (RHU) kapag may sintoma at uminom ng maraming tubig. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog