Kinumpirma ng Russia ang pagkamatay ng pinuno ng Wagner Group na si Yevgeny Prigozhin matapos itong nakasama sa bumagsak na eroplano noong nakaraang Miyerkules, Agosto 23, kung saan lahat ng 10 sakay nito ay hindi nakaligtas sa naturang trahedya.
Ayon kay Russian Investigative
Committee spokeswoman Svetlana Petrenko, nagsagawa sila ng genetic testing sa
10 mga bangkay at dito nakumpirmang kabilang si Prigozhin sa mga binawian ng
buhay sa pagbagsak ng naturang eroplano habang papunta sa St. Petersburg,
Russia.
Sa kabila nito, hindi pa
inilalabas ng Investigative Committee ang impormasyon kung ano sanhi ng pagbagsak
ng nasabing business jet. | JOHN RONALD GUARIN
0 Comments