30-MINUTONG KASAL, PATOK SA MGA MILLENIAL SA AUSTRALIA

 


Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo sa buong mundo, pinag-isipan ng mga Australian young adults na magsagawa lamang ng mabilisang kasal o “quickie” na wedding trend.

Ayon sa Australian news, may isang wedding organizer na nag-aalok na kalahating oras na kasal—walang mahabang seremonya at malayo talaga sa tradisyonal na kasal kung saan umaabot ito sa dalawang oras o mahigit pa.

Sa pahayag ng co-founder ng wedding organizer na Wham Bam Thankyou Sam na si Amey Rosenthal, mayroon silang tinatawag na “micro-wedding” kung saan nasa 12 lamang na bisita ang maaaring pumunta at hindi gaanong malaki ang kanilang wedding celebration matapos ang 30-minutong seremonya.

Ginawa nila ang nasabing “quickie wedding” dahil nakikita nilang nahihirapan ang mga magkasintahan na maghanap ng wedding organizer at venue na pasok sa kanilang mahigit $1200 na budget.

Dahil dito, kinuha nila ang inspirasyon mula sa Las Vegas micro-weddings at mula nang inilagay nila ito sa kanilang negosyo, maraming mga ‘young adults’ ang nagpapasalamat sa kanilang mabilisang seremonya ng pagkasal. | JOHN RONALD GUARIN

 

(via New York Post)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog