GILAS PILIPINAS, BIGONG MULI SA IKALAWANG PAGKAKATAON MATAPOS NA TALUNIN NG ANGOLA SA 80-70 NA SCORE



Muling nabigo sa ikalawang pagkakataon ang Gilas Pilipinas na makuha ang pagkapanalo matapos ang naging laban nila ng Angola. 

Ito ay makaraang magtapos ang laro sa score na 80-70 laban sa Group A match sa nagpapatuloy na FIBA World Cup sa Smart Araneta, kagabi.

Mababatid na nanguna si Gerson Goncalves para sa Angola na nakakuha ng 17 points kasama na ang apat na three-pointers.

Habang, pinangunahan naman ni Jordan Clarkson ang Gilas na mayroong 21 points. 

Samantala, ito na ang ikalawang laban ng naturang team sa 2023 FIBA World Cup na un ana ring nakatikim ng pagkatalo noong Biyernes laban sa Dominican Republic na dikit din ang laban sa score na 87-81. |Ni Teresa Iguid

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog