“RICE SELF-SUFFICIENCY” PROGRAM NG ADMINISTRASYONG MARCOS, MAY P30.9-B NA PONDO

 


“RICE SELF-SUFFICIENCY” PROGRAM NG ADMINISTRASYONG MARCOS, MAY P30.9-B NA PONDO


Mas palalakasin ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos mga programa na may kaugnayan sa pagpapalakas sa produksyon ng bigas sa bansa.

Ito ay matapos maglaan ng P30.9 billlion pesos ang gobyerno para sa National Rice Program sa bansa sa susunod na taon.

Ayon sa Pangulo, ang pondo ay gagamitin sa layunin na makamit nang bansa ang “rice self-sufficiency,” nang sa ganoon ay hindi na kakailanganin pang umangkat ng bigas sa ibang bansa.

Isa rin aniya itong paraan na mapababa ang presyo ng bigas na sa ngayon ay mataas presyo.

Parte ng pondo ang P9­bilyon para sa pag-export ng ng 473,680 metric tons na bigas para sa buffer stocking program ng National Food Authority (NFA).

Matatandaan na isa sa mga pangako ni Marcos ay ang murang presyo ng kada kilo ng bigas na hanggang ngayon ay kabaliktaran ang nangyayari. |Ni Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog