BARACK OBAMA, BUMISITA SA WHITE HOUSE
Ni John Ronald Guarin
Bumisita si dating US President Barack Obama sa White House para kausapin si President Joe Biden tungkol sa paparating na 2024 US Election.
Ayon sa report ng Washington Post, nag-usap ang dalawa sa isang private lunch at pinag-usapan ang matatag na base ni ex-Pres. Donald Trump lalong-lalo na sa conservative media at sa conservative communities.
Sa pahayag naman ni Eric Schultz, spokesperson ni Obama, nakabase ang stratehiya nina Biden at Obama sa 'driving impact' kung saan gagawa sila ng mas malikhain na paraan upang makahatak ng mga bagong taga-suporta, partikular na ang pagkakaroon ng voter mobilization o volunteer activations.
Sa ngayon, wala pang detalye kung tatakbo si Obama sa 2024 US Elections bilang opisyal sa White House o magiging adviser lamang siya ng partido ni Biden.
0 Comments