KALIBO PNP, BINALAAN ANG PUBLIKO RE: PEKENG PERA

 


KALIBO PNP, BINALAAN ANG PUBLIKO RE: PEKENG PERA


Muling nagpaalala si PNP Chief PLTCOL. Ricky Bontogon sa publiko kaugnay ng muling pagkalat ng fake money o pekeng pera sa bayan ng Kalibo.

Ito’y kasunod ng ulat na isang fish vendor ang halos nalugi ng P1,000 matapos itong mabiktima ng pekeng pera sa Brgy. Mabilo, Kalibo nitong Miyerkules ng hapon.

Aniya, target ng mga suspek na biktimahin ang mga indibidwal na madaling makumbinsi di tulad sa ibang establisyemento na sinusuri muna ang pera kung peke o hindi.  

Kaugnay nito, magsasagawa rin aniya sila ng follow up investigation upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.

Samantala, pinaalalahanan nito ang publiko na suriing mabuti ang pera bago tanggapin upang hindi mabiktima ng fake money. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog