REGION VI, PATULOY NA NANGUNGUNA SA MEDAL TALLY NG PALARONG PAMBANSA


 

REGION VI, PATULOY NA NANGUNGUNA SA MEDAL TALLY NG PALARONG PAMBANSA


Muling namayagpag ang mga atletang mula sa Region VI matapos umabante ng husto ang delegasyon sa numero ng nakuhang Gold medals.

Base sa partial and unofficial medal tally ng DepEd, nakasungkit na nang 33 Gintong medalya ang Western Visayas, 24 ang Silver at 20 ang Bronze.

As of 8:00am ngayong August 4, nangunguna ang Region VI gold medals habang sumunod naman ang NCR at nasa pangatlong puwesto ang Region IV-A.

Nabatid na target ng delegasyon na makuha ang rank 1 ngayong taon sa Palarong Pambansa dahil nasa Rank 3 ito noong 2019.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog