MIXTURE NG ALAK, NILAGYAN NG SILI; KAKAIBANG INUMIN, PATOK SA NETIZEN

 

Photo Courtesy: James Shop

KABANDERA, KAKASA KA BA SA SILIMANSI JUICE WITH GIN?

 

Karaniwan na sa ating mga Pinoy ang pag-imbento ng iba’t ibang inumin na hinahalo sa alak tulad ng mga prutas at ibang flavors ng juice.

Ngunit kakaiba ang naging trip ni James sa ibinahaging larawan na nag-viral sa social media.

Sa halip kasi na prutas o mga kendi, sili ang inihalo nito sa kanyang inuming alak.

“Pangit kainuman ng mga taga-Bicol,” mababasang caption sa kaniyang Facebook post.

Bentang-benta naman ito sa mga netizens dahil umabot na sa 120k ang nag-react sa naturang post, 5.3k ang nagkomento at 23k namang ang shares.

Dahil dito, ilang mga netizens ang sumubok sa naimbentong mixture ni James at naging positibo naman ang resulta nito.

“Lakas tama niyan, gumuguhit talaga hahaha,” komento ng netizen.

“Masarap ‘yan mga boss promise,” sabi ng pa ng ilan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog