14 SUGATAN SA PAGSAGASA AT PANANAKSAK SA SOUTH KOREA

 


14 SUGATAN SA PAGSAGASA AT PANANAKSAK SA SOUTH KOREA

Ni John Ronald Guarin

 

Nasa 14 katao ang sugatan matapos na humarurot ang isang sasakyan sa sidewalk bago lumabas sa sasakyan ang suspek para manaksak ng mga taong dumadaan sa bahagi ng Seongnam, Gyeonggi Province, South Korea.

 

Ayon sa Yonhap News Agency, inaresto ng kapulisan ang 23-taong gulang na lalaking may apelyido na Choi, mga bandang 5:55 pm, dahil sa naiulat na insidente ng pananaksak malapit sa Seohyeon Station, Bundang Line.

 

Kinumpirma rin ng mga otoridad na walang kasama sa krimen si Choi—na isang trabahador ng delivery industry.

 

Sa nasabing bilang ng mga biktima, lima rito ang nasagasaan ito habang siyam naman ang direktang biktima ng pananaksak.

 

Dagdag pa ng kapulisan, dalawang biktima ang nasa kritikal na kondisyon.

 

 

 

Via Yonhap News Agency, Channel News Asia

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog