10 PISO NA PASAHE SA LOOB NG BRGY POBLACION, KALIBO, NAPANATILI SA KASAGSAGAN NG PANDEMIC- PUNONG BRGY CANDELARIO


 
 

Nilinaw ngayon ni Poblacion Punong Barangay Neil Candelario na walang nangyaring adjustment sa pasahe ng mga commuters sa naturang Barangay, simula nang tumama ang COVID-19 pandemic.

Sa programang Foro De Los Pueblos, inihayag ni Candelario na sa kasagsagan ng pandemic ay una nang napagkasunduan na mananatling P10 ang pasahe ng bawat pasahero, basta’t hindi lamang lalagpas sa bahagi na sakop ng Poblacion. 

Dahil dito, wala aniya itong nakikita na problema sakaling maipatupad na ang isinusulong na bawas-pasahe sa bayan ng Kalibo kasunod ng pagbabalik sa normal matapos ang pandemya.

Sa usapin naman aniya na may kaugnayan sa isinusulong na special night permit sa mga colorum na drivers ay wala rin itong pagtutol. 

Katunayan ay isa rin ayon dito ang Poblacion Brgy council sa mga nais maisakatuparan itong hakbang na layong mapanatili ang kaayusan at seguridad lalo na ng mga bumabyahe sa gabi. 

Samantala, sa huli ay binigyang-diin rin ng Punong Brgy na hangga’t makakabuti at makakatulong sa paglago ng ekonomiya ng Brgy. Poblacion at buong Kalibo ay aasahan aniya na nakasuporta ito. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog