PROTEKSYON PARA SA MGA PWDs, MAS PINALAKAS


Nagsagawa ng Persons with Disability Aklan Summit upang palakasin ang proteksyon laban sa pang-aabuso sa mga miyembro ng PWDs sa probinsya.

Ayon kay Mr. Randy Rebaldo ng Persons with Disability Affairs Office, mas mabuti aniyang may kaalaman ang mga focal person lalo na sa karapatan at pribilehiyo ng mga PWDs.

Aniya, may ilang PWDs na binu-bully sa mga kabarangayan kung kaya’t kailangang maintindihan ng mga focal person ang tinatawag na karapatang pantao.

Dagdag pa nito, handang tumulong ang munisipyo sa mga naapektuhan ang karapatang pantao sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Sinabi rin nito na kailangang ma-address ang karapatan ng mga ito upang maprotektahan laban sa mga pang-aabuso, harassment at pananakit.

Gayunpaman, patuloy aniyang pinagsisikapan na mailagay sa mabuting sitwasyon ang mga PWDs maging ang karapatan ng mga ito sa komunidad. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog