MAGKAISA AG MAGDAMAYAN UPANG MAKA-SURVIVE SA KRISIS- SP NERON

 


"MAGKOOPERAR AG MAG-UEONUNGAN AGUD MAKA-SURVIVE SA KRISIS- SP NERON"

Binigyang diin ni Sangguniang Panlalawigan (SP) Member Nemesio Neron, Chairman ng Committee on Agriculture na kailangang magkaisa at magdamayan ang mga Aklanon upang maka-survive sa krisis.

Sa panayam ng Radyo Bandera Sweet Fm Kalibo Kay SP Neron, sinabi nito na ang pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan ay epekto ng pagsisimula ng El Niño sa bansa.

Aniya, dapat dalawang pamamaraan ang gamitin sa mga bagay na tumataas ang bilihin upang maprotektahan ang interes ng consumer gayundin ang producer.

Ikinalungkot din nito ang pagtaas ng presyo ng bigas dahil mahalaga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Dagdag pa nito, kapag nakapagtanim ang mga magsasaka, tiyak na sapat ang produkto para sa mga Aklanon ngunit nakakabahala aniya ang kakulangan sa irrigation system.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Neron ang mga magsasaka na huwag maging makasarili sa tubig nang sa gayon ay makapagtanim din ang iba pang palayan na hindi naabot ng irigasyon. |Ni Jurry Lie Vicente

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog