PRODUKSYON NG BIGAS SA BANSA, INAASAHANG AABOT SA 20-M METRIC TONS

 


PRODUKSYON NG BIGAS SA BANSA, INAASAHANG AABOT SA 20-M METRIC TONS

Ni Jurry Lie Vicente


Inihayag ng Department of Agriculture na inaasahang aabot pa sa 20 milyong metriko tonelada ang produksyon ng bigas sa bansa ngayong taon.


Ito ang tiniyak ni DA Undersecretary Leocadio Sebastian matapos ang naging pahayag ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., na may sapat na suplay ng bigas ngayon ang bansa.


Dagdag pa nito, nananatili ang augmentation ng suplay mula sa mga paparating na imported na bigas.


Sa huli, nanawagan ang kalihim na tigilan na ang mga ispekulasyon na kakapusin ang suplay ng bigas dahil malaki aniya ang epekto nito sa mamamayan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog