1 PATAY, 52 SUGATAN SA PAGSABOG NG ISANG PABRIKA SA RUSSIA

1 PATAY, 52 SUGATAN SA PAGSABOG NG ISANG PABRIKA SA RUSSIA

Ni John Ronald Guarin

 

Sumabog ang isang pabrika sa lungsod ng Sergiyev Posad sa Russia, kung saan isang babae ang nasawi habang nasa 52 katao ang sugatan.

 

Ayon kay Moscow region governor Andrey Vorobyov, nangyari ang pagsabog sa planta ng kagamitang optical at nagkaroon ng shockwave kung saan nasira ang iilang mga bintana ng mga gusaling malapit dito.

 

Kaagad na dinala ang mga biktimang sugatan sa pinakamalapit na ospital para sa karagdagang atensyon medikal, lalo na ang anim na pasyenteng iniligay sa intensive care unit (ICU)

 

Kinumpirma din ni Vorobyov na patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa sanhi ng pagsabog ng naturang pabrika.

 

(via Agence France-Presse, and BBC News)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog