PRESIDENT MARCOS AT FORMER PRES. DUTERTE NAGKITA SA MALACAÑANG


 

PRESIDENT MARCOS AT FORMER PRES. DUTERTE NAGKITA SA MALACAÑANG


Bumisita sa dati nitong opisina sa Malacañang si dating Presidente Rodrigo Duterte kung saan nagkita sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang pagkikita ay may kaugnayan sa ginawang pagbisita ng dating pangulo sa China sa pakikipagpulong nito kay Chinese President Xi Jinping noong July 17.

Ayon kay Communications Office Secretary Cheloy Garafil, may iba pang mahahalagang pinag-usapan ang dalawang lider na hindi maaring iditalye.

Napag-alamang kasama ang ilang mga matataas na opisyal ng bansa sa nasabing pulong kabilang na si Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr., former executive secretary Salvador Medialdea, Executive Secretary Lucas Bersamin, National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr., at ang Solicitor General. |Ni Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog