LALA SOTTO-ANTONIO, SINAGOT ANG ALEGASYONG MAY NILABAG ANG E.A.T.

 


'WALA PONG DAHILAN PARA IPATAWAG ANG E.A.T.'


Ito ang naging tugon ni MTRCB chairperson Lala Sotto-Antonio sa kanyang panayam sa kolumnistang si Cristy Fermin.

Kaugnay ito sa alegasyong may nilabag din ang show na E.A.T. nang halikan ng host na si Tito Sotto ang asawa at batikang aktres na si Helen Gamboa sa live TV.

Nang tanungin si Antonio kung ano ang nararamdaman nito kung nakikitang naghahalikan ang kanyang mga magulang, ito ang kanyang sagot, “Lumaki po kasi akong gano’n, na halos araw araw ng buhay naming magkakapatid, ganun po talaga ang aming mga magulang mapa sa telebisyon... maski saan. Mula po noong bata kami. They have been married for 55 years now.”

Lumaki ang issue matapos ipatawag ang producer ng noontime show na “It’s Showtime” dahil umano sa “indecent acts” na ginawa ng host na si Vice Ganda at Ion Perez sa segment na “Isip Bata.”

Sa inilabas na press release ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong Linggo, nilabag umano ng dalawang host ang Section 3 (c) ng Presidential Decree No. 1986.

Dahil dito maraming mga netizens ang nadismaya sa MTRCB at sinasabing may pinapanigan ang chairperson nito na anak ni Tito Sotto at Helen Gamboa.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog