Tiniyak ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., sa publiko na handa ang gobyerno sa epekto na dulot ng Bagyong Goring.
Ayon sa Pangulo, nakamonitor
ang pamahalaan sa sitwasyon sa Northern Luzon na nakaranas ng malakas na
pagbuhos ng ulan at hangin.
Dahil dito, naka-preposition
na ang mahigit 10,000 na food packs ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) sa mga apektadong lugar.
Maliban dito, nakabantay na
ang mga disaster and response units kung kinakailangan ng evacuation at rescue
operations.
Tiniyak din ni Marcos na sapat
ang suplay ng pagkain at iba pang non-food items hanggang sa makalabas ang
bagyo sa bansa. |
0 Comments