5 REHIYON, ISINAILALIM NA SA RED ALERT STATUS DAHIL SA BAGYONG GORING


Isinailalim sa red alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang limang rehiyon sa Luzon dahil sa banta ng Bagyong Goring.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Edgar Posadas, ang limang rehiyon ay kinabibilangan ng Cordillera region, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, at Mimaropa.

Sa ilalim ng red alert, ang mga emergency operations center (EOC) sa Camp Aguinaldo sa Quezon City at ang mga lokal na counterpart nito ay magiging full force physically at virtually.

Gayunpaman, tiniyak naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakahanda na ang 10,000 food packs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ipamahagi sa northern Luzon. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog