AFP, IPINASIGURO ANG KAHANDAAN SA PAGBABANTAY SA NEGROS ORIENTAL SA NALALAPIT NA BSKE

 


Ipinasiguro ni Armed Forces chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. na handa ang kanilang hanay na bantayan ang Negros Oriental mula sa iba’t ibang banta at posibleng karahasan sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan (BSKE) elections. 

Ayon kay Brawner, bago pa ang BSKE preparations, nagtutulungan na ang AFP at ang Philippine National Police (PNP) upang mapanatili ang kapayapaan at matiyak ang kaligtasan ng mga taga-Negros Oriental kasunod ng pagpatay kay Gov. Roel Degamo sa bayan ng Pamplona noong Marso. 

Sa kabila nito ay hiniling din ni Brawner ang kooperasyon mula sa mga residente, dahil hindi aniya maaaring ang government forces lamang ang kikilos upang makamit ang kaayusan. 

Ang pagtitiyak na ito ni Brawner ay sa gitna rin ng Comelec request mula sa Kamara para sa budget sa pagsasagawa ng special elections sa lalawigan matapos mabakante ang third district congressional seat. |Ni Teresa Iguid

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog