PNP, NAKILAHOK SA 2023 WORLD POLICE AND FIRE GAMES IN CANADA

 

Photo via 92.7 FM CKJS


Nagpadala ng delegasyon ang Philippine National Police sa World Police and Fire Games na ginanap sa Winnipeg sa bansang Canada.

Nagsimula ang naturang aktibidad nitong July 28 hanggang August 6 kung saan pinangunahan ni PLt.Gen. Rhodel Sermonia, PNP deputy chief for administration ang grupo na pumunta sa nasabing bansa.

Kabilang sa mga nilahukan ng mga PNP personnel sa naturang sports event ay ang basketball, cross country running, marathon, at marami pang iba.

Nanalo ng gintong medalya sa palaro si Police SSgt. Maria Arnejo sa 21K half marathon na isinagawa sa St. Vital Park.

Todo suporta naman ang mga Pinoy na nakatira sa lugar sa delegasyon ng bansa at nag-organisa pa ang mga ito ng welcome potluck dinner sa Philippine Canadian Centre of Manitoba.

Nabatid na nagsimul ang  palaro noong 1985 kung saan nilalahukan ito ng nasa 8,500 na mga atleta mula sa ibat-ibang law enforcement organization, firefighters,  police officers galing sa mahigit 50 bansa. |Ni Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog