NCR, NANGUNA SA PAGTATAPOS NG 2023 PALARONG PAMBANSA

 



Nanguna ang National Capital Region sa pagtatapos ng 2023 Palarong Pambansa sa Marikina, matapos na makuha ang kabuuang 85 gintong medalya, 74 na silver at 55 bronze medals. 

Nasa ikalawang pwesto naman ang Region VI Western Visayas na nakauwi ng kabuuang 60 ginto, 45 pilak at 44 tansong medalya. 

Habang ang Region IV-A CALABARZON naman ang nasa ikatlong pwesto na may nakuhang 52 ginto at pilak na medalya, at 57 na tansong medalya. 

Samantala, magbabalik naman ang Palarong Pambansa sa 2024 sa Cebu City, habang ang Ilocos Norte naman ang magsisilbing host sa 2025 edition nito. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog