PCG, KINONDENA ANG UMANO’Y PAG-BOMBA NG WATER CANON NG CHINA LABAN SA KANILANG SASAKYANG-DAGAT PATUNGONG AYUNGIN SHOAL


 

Inihayag ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang iligal na paggamit ng water cannon laban sa kanilang barko ng China Coast Guard (CCG) patungong Ayungin Shoal nitong Sabado para sa resupply mission sa BRP Sierra Madre. 

Dahil dito, kinondena ng PCG ang mapanganib na mga maniobra at iligal umanong paggamit ng water cannon ng CCG laban sa kanilang mga sasakyang-dagat na nag-escort sa mga katutubong bangka na charter ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maghatid ng pagkain, tubig, gasolina, at iba pang suplay sa mga tropang militar na nakatalaga sa BRP Sierra Madre. 

Kaugnay dito, binigyang-diin din ng AFP ang insidente na tinawag na “excessive and offensive” kung saan inihayag nito na ang pangalawang supply boat na patungo sa Ayungin Shoal ay hindi nakapagbaba ng mga supply at hindi nakumpleto ang resupply mission dahil sa mapanganib na mga maniobra ng CCG. 

Mababatid na ang Ayungin Shoal ay bahagi ng Kalayaan Island Group, na isang mahalagang bahagi ng Pilipinas, gayundin ang exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas, kung saan ang Pilipinas ay may soberanya, mga karapatan at hurisdiksyon. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog