PNP, NAGBABALA SA MGA VLOGGER

 



Nagbabala si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., sa mga content creator sa social media lalo na sa mga nagdudulot ng takot at kaguluhan sa publiko dahil sa prank video.

Ito'y matapos arestuhin ng Las Piñas City Police Station ang tatlong vloggers na kilala bilang “Tukomi brothers” dahil sa kontrobersyal na kidnapping prank na nag-viral sa social media.

Pahayag ni Acorda, ang mga ganitong uri ng prank ay delikado lalo pa’t tungkulin ng mga pulis ang rumesponde sa anumang banta sa seguridad ng publiko.

Kaugnay nito, umaasa ang opisyal na magsilbing aral ang pagkakaaresto sa tatlong vloggers na sina Mark Heroshi San Rafael, Mark Lester San Rafael, at Eleazar Steven Fuentes dahil sa paglabag sa alarm and scandal. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog