PBBM, NANAWAGAN NA PAGHANDAAN ANG CLIMATE CHANGE

 


Nanawagan si Pres. Ferdinand Marcos Jr., sa publiko na paghandaan ang epekto ng climate change sa bansa.

Ang paalala ay ginawa ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa mga lugar sa Luzon partikular sa Pampanga at Bulacan na labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Egay at Falcon pati na ang Hanging Habagat.

Sa isinagawang briefing sa mga lokal na opisyal ng probinsya, sinabi ng Pangulo na walang ibang magagawa ang gobyerno kundi harapin ang mga hamon na kinakaharap dala ng climate change sa bansa.

Hinikayat din nito ang mga opisyal na pag-aralan ang climate change at gumawa ng solusyon na angkop sa kasalukuyang sitwasyon. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog