EMPLEYADO SA HUNGARY, UMABOT SA P5.7 MILLION ANG NATANGGAP NA SAHOD MATAPOS MAGKAMALI ANG EMPLOYER SA PAGDEPOSITO NG PERA




Tumataginting na P5.7 million ang natanggap na sahod ng isang lalaking empleyado sa Kaposvar city, Hungary matapos magkamali sa pagdeposito ng pera ang employer nito.

Imbes kasi na Hugarian Forints ay euros currency ang nailagak ng employer sa account ng empleyado na sobra sobra para sa sahod nitong dapat ay 92, 549 Hungarian Forint (HUF) o P14, 000 lamang.

Agad namang kinausap ng employer ang nasabing trabahante upang muling maibalik ang pera ngunit iginiit nito na wala na siyang access sa kaniyang account.

Taliwas sa sinabi nito, lumalabas sa imbestigasyon na nagawa pa niyang mag-withdraw ng pera at nilipat sa ibang account base na rin sa pahayag ng bangko.

Sa ngayon ay sinisante na ang nasabing empleyado at pina-freeze na rin ng kompanya ang bank account nito sa tulong ng Kaposyar District Prosecutor’s Office.

Naibalik man ang 28 million HUF o P4 million, nahaharap pa rin ito sa criminal charges dahil sa paglabag sa batas. |Ni Ma Joy Reyes


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog