ACTUAL OCCULAR INSPECTION SA MGA BUSINESS ESTABLISHMENT SA KALIBO, ISINUSULONG

 

Isinusulong ngayon ni Sangguniang Bayan (SB) Member Ronald Marte ang pagsasagawa ng Actual Ocular Inspection sa mga business establishment sa bayan ng Kalibo.

Aniya, maraming establisyemento ang nag-ooperate sa nasabing bayan na walang kaukulang permit mula sa lokal na pamahalaan ng Kalibo. 

Layunin, aniya nito na matulungan ang mga negosyante na hindi nakapag-comply ng kanilang requirements para sa business permit.

Dagdag pa ni SB Marte, isa rin itong hakbang upang magkaroon ng lakas na lumabas ang mga kinauukulan para magsagawa ng inspection sa mga business establishment sa bayan ng Kalibo.

Sa kabila nito, iminungkahi naman ni SB Member Christine Dela Cruz dapat magkaroon ang LGU ng Joint inspection team tuwing Enero upang matukoy ang mga establisyemento na hindi nakapag-comply ng aplikasyon para sa business permit.

Samantala, inihayag naman ni SB Member Gus Tolentino na suriin muna ang mga establisyemento kung may paglabag ang mga ito para sa implementasyon ng ordinansa at penalidad. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog