PILIPINAS NASA PANGATLONG PUWESTO SA PRODUSKYON NG NIYOG SA BUONG MUNDO

 


Pumangatlo ang Pilipinas sa may pinakamaraming produksyon ng niyog sa buong mundo, ayon sa Philippine Coconut Authority (PCA).

Batay sa datos, naungusan ng mga bansang Indonesia at India ang Pilipinas pagdating sa dami at laki ng produksyon ng niyog.

Dahil dito, plano ng ahensya na magtanim ng nasa 100 million na puno ng niyog sa bansa para muling makuha ang unang puwesto sa coconut production sa mundo.

Ayon kay PCA Deputy Administrator Roel Rosales, dating nangunguna ang bansa sa international market sa nasabing industriya bago ito naagaw ng Indonesia.

Mismong si Pangulong Bongbong Marcos na nagsisislbi ding kalihim ng Department of Agriculture, ang nag-utos ng pagpapatanim ng niyog sa buong bansa.

Kabilang sa mga lugar na target nito ay sa Mindanao at ilang lugar sa Northern Luzon.

Tiwala ang gobyerno na maibalik sa Pilipinas ang pangunguna sa industriya ng niyog na pinagkukunan ng kabuhayan ng maraming Pilipino. |Ni Rio Trayco

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog