12 BAGONG EG.5 CASES NG OMICRON NAITALA SA BANSA-DOH


 
 

Aabot sa 12 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 Omicron sub-variants EG.5 sa bansa, ayon sa bio-surveillance report ng Department of Health (DOH) mula Hulyo 26 hanggang Agosto 1. 

Ang subvariant ng Omicron ay itinuring ng World Health Organization (WHO) bilang isang “variant of interest.” 

Matatandaan na ito ay unang iniulat na mabilis na kumalat sa US, China, South Korea, Japan, at Canada, ngunit ipinasiguro naman ng WHO na hindi ito nagdulot ng higit na banta sa kalusugan ng publiko kaysa sa iba pang mga variant. 

Sa ngayon may kabuuang 132 na bagong impeksyon ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas nitong Miyerkules, Agosto 9, na nagdala sa nationwide caseload na 4,147,101. 

Samantala bumaba naman sa 3,399 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang nasa 66,643 ang namatay. |Ni Teresa Iguid

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog