DOT, TIWALANG MAABOT ANG 8 MILLION TOURISTS SA LOOB NG ISANG TAON SA 2025

 


Positibo ang Department of Tourism (DOT) na muling maabot ang dating dami ng turista sa bansa matapos ang pananalasa ng Covid-19 pandemic.

Sa tantya ng ahensya, makakamit ito ng bansa sa taong 2025 kung saan inaasahang aabot ng 8 million ang tourist arrivals na dating target ng DOT bago ang pandemya.

Kung matatandaan noong 2019 ay pumalo sa 8.3 million ang naitalang turista sa bansa kung saan pinakamarami rito ay galing sa South Korea, China, United States, Japan at Taiwan.

Sa pinakahuling tala ng tourist arrivals sa bansa, kasalukuyang nasa 3.35 million na ang bumisitang international tourist sa Pilipinas nitong August 9.

Sa ngayon, puspusan ang kampanya ng DOT para maka-engganyo ng mga turista sa bansa at isinama na ang ilang lugar sa Mindanao na bagong destinasyon sa bansa. |Ni Rio Trayco

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog