Isa ang Pilipinas sa mga nangungunang producer ng pinya
sa buong bansa, ayon sa United Nations Food and Agriculture Organization (FAO).
Batay sa datos ng FAO, umakyat ang produksyon ng pinya sa
Pilipinas mula sa 549 metric tons noong 2021 hanggang sa 580MT noong nakaraang
taon.
Dahil dito, naabot ng bansa ang ikalawang pwesto sa mga
bansang may pinakamalaking shipment kasunod ng Costa Rica.
Habang, nangunguna naman ang China sa mga bansang nakakatanggap ng
pinakamalaking shipment mula sa Pilipinas na umabot sa 43% ng Philippine
export.
Sinundan ito ng Japan na nakakuha ng 30% habang 13% naman ng pineapple export ng Pilipinas ang nakuha ng South Korea.
Batay sa datos, ang mataas na export ng Pilipinas ay
bunsod ng pinagaang transport regulations ng bansa kumpara sa ibang mga pineapple
producing countries. |
0 Comments