COMELEC KALIBO, NAGPAALALA SA MGA IPINAGBABAWAL NA
AKTIBIDAD MATAPOS MAGFILE NG COC
Ni Jurry Lie Vicente
Binigyang diin ni Atty. Christian Itulid, Election
Officer ng COMELEC-Kalibo ang mga ipinagbabawal na aktibidad pagkatapos magfile
ng Certificate of Candidacy (COC).
Sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo kay Atty.
Itulid, inisa-isa nito ang mga Prohibited Acts pagkatapos mag-file ng COC ang
isang kandidato.
Aniya, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdala ng anumang
uri ng armas o deadly weapon sa mga pampublikong lugar kahit na mayroong
lisensya maliban na lamang kung otorisado ito ng Commission on Elections
(COMELEC).
Paliwanag pa nito, para ma-authorize ng ahensya, dapat
kumpleto ang papeles: may valid na lisensya at may aplikasyon sa Comelec para
sa exemption ng Certificate of Authority.
Ipinagbabawal din aniya ang paglalaan ng pondo sa mga
sayawan, lotteries at cockfighting.
Dagdag pa nito, bawal din ang pagsasagawa ng “vote
buying” sa panahon ng eleksyon, gayundin ang pagbabanta at pananakot sa kahit
sinomang election officials.
Igiinit pa ni Itulid na ipinagbabawal pa sa ngayon ang
anumang uri ng aktibidad na may kaugnayan sa pangangampanya lalo na at wala pa
ang campaign period.
Nagpaalala rin ito sa mga magr-release ng disbursement
sa kada barangay na mag-apply kaagad ng exemption bago ang Setyembre 1 upang
hindi maabutan ng banning.
Samantala, ipinagbabawal din ang anumang uri ng pangangampanya sa panahon ng botohan habang ipapatupad din ang liquor ban sa kaparehong panahon. | (via Michael Selorio)
0 Comments