MGA KAKANDIDATO SA BARANGAY AT SK ELECTION 2023, DUMAGSA SA OPISINA NG COMELEC

 




"Uwa kamu nakakabulig, basi mabutang pa sa aeang-aeang du
kandidatura ku inyo nga amigo, igbata, relatives"

Ito ang inihayag ni Provincial COMELEC Public Information Officer Crispin Gerardo sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Aniya, maraming kandidato ang naghain ng COC mula sa 327 barangays na sakop ng probinsya.

Nito kasing Agosto 28, unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) ay dinagsa ng mga kandidato ang opisina ng Commission on Election (COMELEC) sa mga munisipyo sa probinsya ng Aklan.

Itinuturing namang positibo ng COMELEC ang naturang sitwasyon dahil marami pang oras ang nalalabi sakaling mayroong kakulangan sa mga isinumiteng dokumento. 

Humihingi din ito ng paumanhin sa publiko bunsod ng limitadong oras at manpower ng ahensya ngunit tiniyak naman nito na tatapusin nila ang kanilang trabaho.

Pahayag pa ni Gerardo na isa sa mga nagiging problema sa mga isinumiteng dokumento ay ang kakulangan sa Documentary Stamp.

Paalala naman ng opisyal para sa mga gustong mag-file ng COC na nasa ibang lugar na dapat itong magpakita ng Special Power of Attorney (SPA) sapagkat hindi rin magagawa ng isang representante ang magiging correction sa isinumiteng dokumento.

Ituturing namang bilang opisyal na kandidato ang mga indibidwal na nagsumite ng COC kung kaya't obligado ang mga ito na sumunod sa lahat ng restriction na may kaugnayan sa eleksyon alinsunod sa batas.

Binigyang diin pa ni Gerardo na bawal pa sa ngayon ang pangangampanya dahil sa Oktubre 19 pa magsisimula ang opisyal na Campaign Period.

Samantala, inabisuhan ng Provincial COMELEC Officer ang mga kandidato na maging maingat lalo na sa pangangampanya gamit ang social media dahil hindi ito nakakatulong at posibleng malagay pa sa alanganin ang kandidatura ng mga kaibigan, kamag-anak at pamilya. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog