PCSO -AKLAN, PATULOY NA HINIMOK ANG PUBLIKO NA HUWAG
TANGKILIKIN ANG ILLEGAL NUMBERS GAMES
Patuloy na hinihimok ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang publiko na huwag tangkilikin ang illegal numbers games partikular sa probinsya ng Aklan.
Ito ay matapos ang sunod-sunod pa rin na serye ng mga nahuhuling iligal na nagpapataya sa nasabing probinsya.
Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay John Martin Alipao ng PCSO-Aklan, inihayag nito na ang Great Lion Gaming Ventures, Inc lamang ang tanging otorisadong agency corporation na pinahihintulutan ng PCSO na mag-operate ng Small Town Lottery (STL) sa Aklan.
Ani Alipao, ilan sa mga patunay na legal ang nagpapataya na tinatangkilik ng publiko ay mayroon ang mga itong ID’s na nagsasabing sila ay nasa ilalim ng Great Lion Gaming Ventures, Inc at printed ang ticket na ibabalik sa mga mananaya.
Sa kabila naman nito ay ipinunto rin ni Alipao na ipinapaubaya na lamang nila ang mga aktibidad nitong iligal na pagpapataya sa mga kapulisan habang in-engganyo rin nito ang mga mananaya na mas maiging suportahan ang mga PCSO games dahil hindi tulad ng mga iligal na STL bookies, ito ay mayroong balik sa publiko.
Mababatid na tinutulungan ng STL ang PCSO na makalikom ng
kita upang suportahan ang mga pangunahing programang medikal at charity
programs ng ahensya, sumusulong para sa local business opportunities, makabuo
ng mga trabaho at lumalaban sa illegal number games.
0 Comments