DALAWANG CELEBRITIES, OPISYAL NANG KINASAL SA KANILANG NON-SHOWBIZ FIANCÉ

 

Maja Salvador & Rambo Nuñez (Left); Nathalie Hart & Brad Robert (Right)

CONGRATULATIONS, NEWLYWEDS!

 

Parehong kinasal na sa ibang bansa sina Maja Salvador at Nathalie Hart sa kanilang non-showbiz fiancé nitong Hulyo, 2023.

 

Ginanap ang kasal ng aktres na si Maja Salvador at partner nitong si Rambo Nuñez sa Bali, Indonesia kasama ang ilang mga kaibigan sa industriya.



 

Kabilang sa mga dumalo ang bagong kasal na si Maine Mendoza, John Lloyd Cruz, Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at ang ABS-CBN CEO Carlo Katigbak, at iba pang malalapit na kaibigan at pamilya.

 

Matatandaang, nagsimulang maging magkasintahan sina Maja at Rambo noong 2010 hanggang sa muling nagkabalikan noong 2019 at na-engage noong Abril 2022.

 

Sa kabilang banda, masaya namang inanunsyo ni Nathalie Hart ang opisyal nitong kasal sa non-showbiz fiancé na si Brad Robert.

 

Batay sa kanyang Instagram post, naganap ang kanilang kasal sa isang pribadong seremonya sa Sydney, Australia.


 


Nagpaabot naman ng pagbati kay Hart ang ilang mga kaibigan nito sa showbiz industry tulad nina Iza Calzado, John Arcilla, Dianne Medina, at Chynna Ortaleza.

 

Si Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell o mas kilala bilang Nathalie Hart ay nag-umpisang sumabak sa showbiz industry noong 2008 kung saan kabilang siya sa ABS-CBN’s Star Magic Batch 16.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog